Add parallel Print Page Options

26 Ginawa kang saserdote ng Panginoon na kahalili ni Joiada na saserdote, upang kayo'y (A)maging mga lingkod sa bahay ng Panginoon, sa bawa't tao na (B)ulol, at (C)nagpapanggap na propeta, upang iyong mailagay sa pangawan at (D)sa mga tanikala.

27 Ngayon nga, bakit hindi mo sinaway si (E)Jeremias na taga Anathoth, na nagpapanggap na propeta sa inyo,

28 Yamang siya'y nagsugo sa Babilonia, na nagsasabi, Ang pagkabihag ay malaon: (F)kayo'y mangagtayo ng mga bahay at inyong tahanan; at kayo'y mangaghalaman, at inyong kanin ang bunga ng mga yaon?

Read full chapter