Add parallel Print Page Options

Kayo'y mangagtayo ng mga bahay, (A)at inyong tahanan; at kayo'y maghalamanan, at kanin ninyo ang bunga ng mga yaon.

Magsipagasawa kayo, at kayo'y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae; at ikuha ninyo ng mga asawa ang inyong mga anak na lalake, at inyong ibigay na asawa ang inyong mga anak na babae, upang sila'y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae: at kayo'y magsidami roon, at huwag kayong magpakaunti.

At inyong hanapin ang kapayapaan sa bayan na aking pinagdalhan sa inyong bihag, (B)at inyong idalangin sa Panginoon: sapagka't sa kapayapaan niyaon ay magkakaroon naman kayo ng kapayapaan.

Read full chapter