Add parallel Print Page Options

12 Ikaw ay yumaon, at itanyag mo ang mga salitang ito sa dakong (A)hilagaan, at iyong sabihin, Ikaw ay manumbalik, ikaw na tumatalikod na Israel, sabi ng Panginoon; hindi ako titinging may galit sa inyo: sapagka't ako'y maawain, sabi ng Panginoon, hindi ako magiingat ng galit magpakailan man.

13 Kilalanin mo lamang ang iyong kasamaan, (B)na ikaw ay sumalansang sa Panginoon mong Dios, at iyong ikinalat ang iyong mga kaugalian sa (C)mga taga ibang lupa (D)sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at kayo'y hindi nagsisunod sa aking tinig, sabi ng Panginoon.

14 Kayo'y manumbalik, Oh tumatalikod na mga anak, sabi ng Panginoon, (E)sapagka't ako'y asawa ninyo; at kukuha ako sa inyo ng (F)isa sa isang bayan, at dalawa sa isang angkan, at dadalhin ko kayo sa Sion.

Read full chapter