Add parallel Print Page Options

18 Sa mga araw na yaon ang sangbahayan ni Juda ay (A)lalakad na kasama ng sangbahayan ni Israel, at sila'y manggagaling na magkasama sa lupain (B)ng hilagaan (C)sa lupain na ibinigay kong pinakamana sa inyong mga magulang.

Isinamo, at ipinayo sa Israel na magsisi.

19 Nguni't aking sinabi, Paanong ilalagay kita sa gitna ng mga anak, at bibigyan kita ng masayang lupain, ng mainam na mana ng mga hukbo ng mga bansa? at aking sinabi, Inyong tatawagin ako, (D)Ama ko; at hindi ka na hihiwalay pa ng pagsunod sa akin.

20 Tunay na kung paanong humihiwalay na may pagtataksil ang babae sa kaniyang asawa, gayon kayo nagsigawang may kataksilan sa akin, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon.

Read full chapter