Add parallel Print Page Options

18 Magkakaisa ang Israel at ang Juda. Magkasama silang babalik mula sa hilaga at maninirahan sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga magulang, upang maging kanila magpakailanman.”

Sumamba sa Diyus-diyosan ang Israel

19 Sinabi ni Yahweh,
“Itinuring kitang anak, Israel,
    at binigyan ng lupaing pinakamainam sa lahat,
sapagkat inakala kong kikilalanin mo akong ama,
    at hindi ka na tatalikod sa akin.
20 Ngunit gaya ng taksil na asawa, iniwan mo ako.
    Hindi ka naging tapat sa akin.”

Read full chapter