Font Size
Jeremias 3:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 3:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
21 May narinig na ingay sa mga kaburulan.
Nananangis ang mga taga-Israel
dahil sa mabigat nilang kasalanan;
at kinalimutan nila si Yahweh na kanilang Diyos.
22 “Manumbalik kayo, mga anak na taksil,” sabi ni Yahweh,
“pinapatawad ko na kayo sa inyong mga kasalanan.”
Sabihin ninyo: “Oo, lalapit na kami sapagkat si Yahweh ang aming Diyos! 23 Walang naitulong sa amin ang mga diyus-diyosang sinasamba namin sa kaburulan. Si Yahweh lamang na aming Diyos, ang tunay na kaligtasan ng Israel.
Read full chapter