Font Size
Jeremias 30:19-21
Ang Biblia (1978)
Jeremias 30:19-21
Ang Biblia (1978)
19 At mula sa kanila (A)magmumula ang pagpapasalamat, at ang tinig ng nangagsasaya: (B)at aking pararamihin sila, at sila'y hindi magiging kaunti; akin ding luluwalhatiin sila, at sila'y hindi magiging maliit.
20 Ang kanilang mga anak naman ay magiging (C)gaya nang una, at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap ko, at aking parurusahan yaong lahat na nagsisipighati sa kanila.
21 At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang (D)puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978