Add parallel Print Page Options

Kayo'y magtanong ngayon, at inyong tingnan,
    ang lalaki ba ay makakapanganak?
Kung gayo'y bakit nakikita ko ang bawat lalaki
    na ang mga kamay ay nasa kanyang mga balakang na parang babaing manganganak?
    Bakit ang bawat mukha ay namumutla?
Naku! Dakila ang araw na iyon,
    at walang gaya niyon;
iyon ay panahon ng kaguluhan para kay Jacob;
    gayunma'y maliligtas siya mula roon.

“At mangyayari sa araw na iyon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na aking babaliin ang pamatok mula sa kanilang[a] leeg, at aking lalagutin ang kanilang[b] mga gapos at hindi na sila aalipinin pa ng mga dayuhan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Jeremias 30:8 Sa Hebreo ay iyong .
  2. Jeremias 30:8 Sa Hebreo ay iyong .