Add parallel Print Page Options

Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong (A)kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.

10 Kaya't huwag kang masindak, Oh (B)Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.

11 Sapagka't ako'y sumasaiyo sabi ng Panginoon upang iligtas kita: sapagka't (C)gagawa ako ng lubos na kawakasan sa lahat na bansa na aking pinapangalatan sa iyo, nguni't hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan (D)sa iyo; kundi sasawayin kita (E)ng kahatulan, at walang pagsalang hindi kita iiwan na walang parusa.

Read full chapter