Jeremias 31:10-12
Ang Biblia (1978)
10 Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga bansa, at inyong ipahayag sa mga pulo sa malayo; at inyong sabihin, Ang nagpangalat sa Israel, (A)siyang magpipisan sa kaniya, at magiingat sa kaniya, gaya ng ginagawa ng pastor sa kaniyang kawan.
11 Sapagka't tinubos ng (B)Panginoon ang Jacob, at tinubos niya siya sa kamay ng lalong malakas kay sa kaniya.
12 At sila'y magsisiparito at magsisiawit (C)sa kaitaasan ng Sion, at magsisihugos na magkakasama (D)sa kabutihan ng Panginoon, sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa guya ng kawan at ng bakahan: at ang kanilang kaluluwa ay magiging (E)parang dinilig na halamanan; (F)at hindi na sila mangamamanglaw pa sa anoman.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978