Jeremias 31:20-22
Ang Biblia (1978)
20 Ang Ephraim baga'y aking minamahal na anak? siya baga'y iniibig na anak? sapagka't kung gaano kadalas nagsasalita ako laban sa kaniya, ay gayon ko inaalaala siya ng di kawasa: (A)kaya't nananabik ang aking puso sa kaniya; ako'y tunay na maaawa sa kaniya, sabi ng Panginoon.
Ang darating na pananagana ng Israel.
21 Maglagay ka ng mga patotoo, gumawa ka ng mga haliging tanda: (B)ilagak mo ang iyong puso sa dakong lansangan, sa daan na iyong pinaroonan: ikaw ay magbalik uli, Oh dalaga ng Israel, ikaw ay bumalik uli rito sa mga bayang ito.
22 Hanggang kailan (C)magpaparoo't parito ka, Oh ikaw na tumatalikod na anak na babae? sapagka't ang Panginoon ay lumikha ng bagong bagay sa lupa, Ang babae ay siyang mananaig (D)sa lalake.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978