Font Size
Jeremias 31:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 31:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Kasaganaang Mararanasan ng Israel
23 Ito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel: “Muling sasabihin ang mga salitang ito sa lupain ng Juda at sa kanyang mga lunsod, kapag ibinalik ko na sila sa kanilang tahanan:
‘Pagpapalain ni Yahweh
ang bundok na banal ng Jerusalem, na kanyang tinatahanan.’
24 Ang mga nagsasaka at mga pastol ay muling magkakasamang maninirahan sa Juda. 25 Bibigyan ko ng inumin ang nauuhaw, at bubusugin ang nanlulupaypay dahil sa matinding gutom.
Read full chapter