Add parallel Print Page Options

20 Gumawa kayo ng mga himala at mga kahanga-hangang bagay doon sa Egipto, at patuloy nʼyo po itong ginagawa hanggang dito sa Israel at sa ibang mga bansa. At sa pamamagitan nito, naging tanyag po kayo sa lahat ng dako. 21 Sa pamamagitan ng mga himala at mga kahanga-hangang bagay, at sa kapangyarihan nʼyo, natakot po ang mga taga-Egipto at pinalaya nʼyo ang mamamayan nʼyong mga Israelita sa Egipto. 22 Ibinigay po ninyo sa kanila ang maganda at masaganang lupain[a] na siyang ipinangako nʼyong ibibigay sa kanilang mga ninuno.

Read full chapter

Footnotes

  1. 32:22 maganda at masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot.