Font Size
Jeremias 32:32-34
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 32:32-34
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
32 Suklam na suklam na ako sa likong gawain ng mga taga-Israel at Juda, ng kanilang mga hari, mga pinuno, mga pari, mga propeta, at lahat ng naninirahan dito. 33 Ako'y tinalikuran nila; bagama't patuloy ko silang tinuruan, ayaw nilang makinig o tumanggap man ng payo. 34 Inilagay(A) pa nila ang kanilang mga kasuklam-suklam na diyus-diyosan sa aking Templo, at sa gayo'y dinumihan ito.
Read full chapter