Add parallel Print Page Options

18 At aking ibibigay ang mga tao na nagsisalangsang ng aking tipan, na hindi nagsitupad ng mga salita ng tipan na kanilang ginawa sa harap ko, (A)nang kanilang hatiin ang guya at mangagdaan sa pagitan ng mga bahagi niyaon;

19 Ang mga prinsipe sa Juda, at ang mga prinsipe sa Jerusalem, ang mga (B)bating, at ang mga saserdote, at ang buong bayan ng lupain, na nagsidaan sa pagitan ng mga bahagi ng guya;

20 Akin ngang ibibigay sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, at sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay, at (C)ang kanilang mga bangkay ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa.

Read full chapter