Add parallel Print Page Options

Nang lumaban ang hukbo ng hari sa Babilonia laban sa Jerusalem, at laban sa lahat na bayan ng Juda na nalabi, laban sa Lechis at laban sa Azeca; sapagka't ang mga ito lamang ang nalalabi (A)na mga bayan ng Juda na mga bayang (B)nakukutaan.

Ang pagsuway sa pananampalataya tungkol sa mga aliping Hebreo.

Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, pagkatapos na makipagtipan ang haring Sedechias, sa buong bayan na nasa Jerusalem (C)upang magtanyag ng kalayaan sa kanila;

(D)Na papaging layain ng bawa't isa ang kaniyang aliping lalake, at ng bawa't isa ang kaniyang aliping babae, na Hebreo o Hebrea; (E)na walang paglilingkuran sila, sa makatuwid baga'y ang Judio na kaniyang kapatid.

Read full chapter