Font Size
Jeremias 38:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 38:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
21 Ipinaalam na sa akin ni Yahweh, sa pamamagitan ng isang pangitain, ang mangyayari kapag hindi kayo sumuko. 22 Nakita kong inilalabas ng mga pinunong taga-Babilonia ang lahat ng babaing naiwan sa palasyo ng hari sa Juda. Pakinggan ninyo ang sinasabi nila:
‘Ang hari'y iniligaw ng pinakamatalik niyang mga kaibigan;
naniwala siya sa kanila.
At ngayong nakalubog sa putik ang kanyang mga paa,
iniwan na siya ng mga kaibigan niya.’”
23 Pagkatapos ay sinabi ni Jeremias, “Bibihagin ng mga taga-Babilonia ang lahat ng babae at mga bata; pati ikaw ay hindi makakaligtas. Dadalhin kang bihag, at susunugin ang lunsod na ito.”
Read full chapter