Font Size
Jeremias 4:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 4:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Ganito(A) naman ang sabi ni Yahweh sa mga taga-Juda at sa mga naninirahan sa Jerusalem: “Bungkalin ninyong muli ang napabayaang lupa; huwag ninyong ihasik ang binhi sa gitna ng dawagan. 4 Tuparin ninyo ang inyong pangako sa akin, at italaga ang inyong buhay sa paglilingkod. Kung hindi, sisiklab ang aking poot dahil sa inyong mga nagawang kasamaan.”
Binantaang Sakupin ang Juda
5 Hipan ang trumpeta sa buong lupain!
Isigaw nang malinaw at malakas:
“Mga taga-Juda at taga-Jerusalem,
magsipasok kayo sa inyong mga kublihang lunsod.