Font Size
Jeremias 4:8-10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Jeremias 4:8-10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
8 Kaya isuot nʼyo na ang damit na panluksa[a] at umiyak dahil matindi pa rin ang galit ng Panginoon sa atin. 9 Sinabi ng Panginoon, “Sa araw na iyon, maduduwag ang hari at ang mga pinuno niya, masisindak ang mga pari, at mangingilabot ang mga propeta.” 10 Pagkatapos, sinabi ko, “Panginoong Dios, nalinlang po ang mga tao sa sinabi nʼyo noon, dahil nangako po kayo na mananatiling payapa ang Jerusalem. Pero ang espada pala ay nakahanda nang pumatay sa amin.”
Read full chapterFootnotes
- 4:8 damit na panluksa: sa literal, sakong damit.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®