Jeremias 40:6-8
Ang Biblia (1978)
6 Nang magkagayo'y naparoon si Jeremias kay Gedalias na anak ni Ahicam sa (A)Mizpa, at tumahang kasama niya sa gitna ng bayan na naiwan sa lupain.
7 (B)Nang mabalitaan nga ng lahat ng kapitan sa mga kawal na nangasa mga parang, sa makatuwid baga'y nila, at ng kanilang mga lalake na ginawang tagapamahala ng hari sa Babilonia si Gedalias na anak ni Ahicam sa lupain, at ipinagbilin sa kaniya ang mga lalake, at ang mga babae, at ang mga bata, at ang mga pinakadukha sa lupain, yaong hindi nangadalang bihag sa Babilonia;
8 Nagsiparoon nga sila kay Gedalias sa Mizpa, sa makatuwid baga'y si (C)Ismael na anak ni Nethanias at si (D)Johanan at si Jonathan na mga anak ni Carea, at si Seraias na anak ni Tanhumeth, at ang mga anak ni Ephi na Netophatita, at si Jezanias na anak ng Maachatita, sila, at ang kanilang mga lalake.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978