Add parallel Print Page Options

28 At ang makakatakas sa tabak na babalik sa lupain ng Juda mula sa lupain ng Ehipto ay kaunti sa bilang. At ang buong nalabi ng Juda na dumating sa lupain ng Ehipto upang manirahan doon ay makakaalam kung kaninong salita ang tatayo, ang sa akin o sa kanila.

29 Ito ang magiging tanda sa inyo, sabi ng Panginoon, parurusahan ko kayo sa lugar na ito, upang inyong malaman na ang aking salita laban sa inyo ay tiyak na tatayo laban sa inyo sa ikapipinsala.

30 Ganito(A) ang sabi ng Panginoon, Narito, ibibigay ko si Faraon Hophra na hari ng Ehipto sa kamay ng kanyang mga kaaway at ng mga nagtatangka sa kanyang buhay; kung paanong ibinigay ko si Zedekias na hari ng Juda sa kamay ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia, na kanyang kaaway at nagtangka sa kanyang buhay.”

Read full chapter