Add parallel Print Page Options

Ang Pangako ni Yahweh kay Baruc

45 Noong(A) ika-4 na taon ng paghahari sa Juda ni Jehoiakim, anak ni Josias, kinausap ni Jeremias si Baruc na anak ni Nerias; isinulat naman nito ang lahat ng idinikta ng propeta: “Baruc, ito ang sinasabi sa iyo ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Sinabi mo sa akin na kahabag-habag ka sapagkat dinagdagan ni Yahweh ang iyong paghihirap; pinadalhan ka niya ng kalungkutan. Pagod ka na sa pagdaing, at wala kang kapahingahan.

Read full chapter