Jeremias 46:10-12
Ang Biblia (1978)
10 Sapagka't ang (A)araw na yaon ay sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, araw ng panghihiganti, upang maipanghiganti niya siya sa kaniyang mga kaaway: at ang tabak ay lalamon at mabubusog, at magpapakalango sa dugo nila: sapagka't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, (B)may hain (C)sa lupaing hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates.
11 Sumampa ka sa Galaad, (D)at kumuha ka ng balsamo, Oh anak na (E)dalaga ng Egipto: sa walang kabuluhan gumagamit ka ng maraming gamot; hindi ka na gagaling.
12 Nabalitaan ng mga bansa ang iyong kahihiyan, at ang lupa ay puno ng iyong hiyaw, sapagka't ang makapangyarihan ay natisod laban sa makapangyarihan, sila'y nangabuwal kapuwa na magkasama.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978