Font Size
Jeremias 46:13-15
Magandang Balita Biblia
Jeremias 46:13-15
Magandang Balita Biblia
Sumalakay sa Egipto si Nebucadnezar
13 Ito(A) ang sinabi ni Yahweh kay Propeta Jeremias tungkol sa pagdating ni Haring Nebucadnezar upang salakayin ang Egipto.
14 “Ipahayag ninyo sa Egipto,
sa Migdol, sa Memfis, at sa Tafnes:
‘Tumayo kayo at humanda,
sapagkat ang tabak ang lilipol sa inyong lahat.’
15 Bakit tumakas ang itinuturing na malakas na diyus-diyosang si Apis?
Bakit hindi siya makatayo?
Sapagkat siya'y ibinagsak ni Yahweh.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.