Font Size
Jeremias 46:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 46:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Lumusob kayo, mga mangangabayo!
Sumugod kayong nasa mga karwahe!
Sumalakay kayo, mga mandirigma,
mga lalaking taga-Etiopia[a] at Libya na bihasang humawak ng kalasag;
kayo ring taga-Lud na sanay sa pagpana.’”
10 Ang araw na iyon ay araw ni Yahweh,
ang Makapangyarihang Panginoon,
araw ng paghihiganti niya sa mga kaaway.
Ang tabak ay parang gutom na kakain at hindi hihinto hanggang hindi busog,
iinumin nito ang kanilang dugo.
At ihahandog ni Yahweh ang mga bangkay nila
sa lupain sa hilaga, sa may Ilog Eufrates.
11 Umakyat ka sa Gilead, kumuha ka roon ng panlunas.
Walang bisa ang maraming gamot na ginamit mo;
hindi ka na gagaling.
Footnotes
- 9 TAGA-ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.