Add parallel Print Page Options

35 Patitigilin ko sa Moab ang mga naghahandog sa mga sambahan sa matataas na lugar[a] at nagsusunog ng insenso sa mga dios-diosan nila. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

36 “Kaya umiiyak ang aking puso para sa Moab at sa mga taga-Kir Hareset, gaya ng malungkot na tugtog ng plauta sa patay. Wala na ang mga kayamanang nakamit nila. 37 Ang bawat isaʼy nagpahayag ng kalungkutan nila sa pamamagitan ng pagpapakalbo, pag-aahit, pagsugat sa mga kamay nila at pagsusuot ng damit na pangluksa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 48:35 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.