Add parallel Print Page Options

43 (A)Pagkatakot, at hukay, (B)at silo, ay sasa iyo, Oh nananahan sa Moab, sabi ng Panginoon.

44 Siyang tumatakas sa pagkatakot ay mahuhulog sa hukay; at siyang umahon sa hukay ay mahuhuli ng silo: sapagka't dadalhin (C)ko sa kaniya, sa Moab, ang taon ng pagdalaw sa kaniya, sabi ng Panginoon.

45 Silang nagsisitakas ay nagsisitayong walang lakas sa ilalim ng Hesbon; (D)sapagka't ang apoy ay lumabas sa Hesbon, at ang alab mula sa gitna ng Sihon, at pinugnaw ang (E)tagiliran ng Moab, at ang bao ng ulo ng mga manggugulo.

Read full chapter