Font Size
Jeremias 49:19-21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 49:19-21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
19 Masdan(A) ninyo, tulad ng leong nanggagaling sa kagubatan ng Jordan at patungo sa luntiang pastulan, hahabulin ko ang mga taga-Edom at sila'y magtatakbuhan. Pamamahalaan sila ng sinumang pinunong aking pipiliin. Sino ang katulad ko? Sino ang aking kapantay? Sinong pinuno ang makakalaban sa akin? 20 Kaya pakinggan ninyo ang buong layunin ni Yahweh laban sa Edom at lahat ng kanyang balak laban sa taga-Teman: Pati ang maliliit na bata ay kukunin, at masisindak ang lahat. 21 Sa tindi ng pagbagsak ng Edom ay mayayanig ang daigdig; tatangis ang lupa at maririnig hanggang sa Dagat na Pula.[a]
Read full chapterFootnotes
- 21 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .