Add parallel Print Page Options

27 At ako'y magsusulsol ng (A)apoy sa kuta ng Damasco, at pupugnawin niyaon ang mga palacio ni (B)Benhadad.

Ang salita ng Panginoon tungkol sa Cedar at Hasor.

28 Tungkol sa Cedar, (C)at sa mga kaharian ng Hasor na sinaktan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia.

Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsibangon kayo, magsisampa kayo sa Cedar, at inyong lipulin ang mga anak ng silanganan.

29 Ang kanilang mga tolda (D)at ang kanilang mga kawan ay kanilang kukunin; kanilang kukunin para sa kanilang sarili ang kanilang mga tabing, at lahat nilang sisidlan, at ang kanilang mga kamelyo: at hihiyawan nila sila: (E)Kakilabutan sa lahat ng dako!

Read full chapter