Add parallel Print Page Options

Oh Panginoon, hindi baga tumitingin ang (A)iyong mga mata sa katotohanan? iyong hinampas sila, nguni't hindi sila nangagdamdam; iyong pinugnaw sila, nguni't sila'y nagsitangging tumanggap ng sawa'y; (B)kanilang pinapagmatigas ang kanilang mukha ng higit kay sa malaking bato; sila'y nagsitangging manumbalik.

Nang magkagayo'y sinabi ko, Tunay na ang mga ito ay dukha; sila'y mga hangal; (C)sapagka't hindi sila nangakakaalam ng daan ng Panginoon, o ng kahatulan ng kaniyang Dios.

Ako'y paroroon sa mga dakilang tao, at magsasalita sa kanila; sapagka't (D)kanilang nalalaman ang daan ng Panginoon, at ang kahatulan ng kanilang Dios. Nguni't ang mga ito ay nagkaiisang (E)magalis ng pamatok, at lumagot ng mga panali.

Read full chapter