Add parallel Print Page Options

Nang magkagayo'y sinabi ko, Tunay na ang mga ito ay dukha; sila'y mga hangal; (A)sapagka't hindi sila nangakakaalam ng daan ng Panginoon, o ng kahatulan ng kaniyang Dios.

Ako'y paroroon sa mga dakilang tao, at magsasalita sa kanila; sapagka't (B)kanilang nalalaman ang daan ng Panginoon, at ang kahatulan ng kanilang Dios. Nguni't ang mga ito ay nagkaiisang (C)magalis ng pamatok, at lumagot ng mga panali.

Kaya't papatayin sila ng (D)leon na mula sa gubat, (E)sisirain sila ng lobo sa mga ilang, babantayan ang kanilang mga bayan ng (F)leopardo; lahat na nagsilabas doon ay mangalalapa; sapagka't ang kanilang mga pagsalangsang ay marami, at ang kanilang mga pagtalikod ay lumago.

Read full chapter