Add parallel Print Page Options

Kaya't papatayin sila ng (A)leon na mula sa gubat, (B)sisirain sila ng lobo sa mga ilang, babantayan ang kanilang mga bayan ng (C)leopardo; lahat na nagsilabas doon ay mangalalapa; sapagka't ang kanilang mga pagsalangsang ay marami, at ang kanilang mga pagtalikod ay lumago.

Paanong mapatatawad kita? pinabayaan ako ng iyong mga anak, at nagsisumpa sa pamamagitan (D)niyaong mga hindi dios. (E)Nang sila'y aking mabusog, sila'y nangalunya, at nagpupulong na pulupulutong sa mga bahay ng mga patutot.

Sila'y parang pinakaing mga kabayong pagalagala: bawa't isa'y humalinghing sa asawa ng kaniyang kapuwa.

Read full chapter