Add parallel Print Page Options

11 Mga taga-Babilonia, sinamsam nʼyo ang pag-aari ng mga mamamayan ko. Tuwang-tuwa kayo at masaya na parang dumalagang baka sa pastulan o kabayong humahalinghing. 12 Pero ilalagay ko sa kahihiyan ang inyong bansa.[a] Magiging pinakaaba ito sa lahat ng bansa, at magiging isa itong mapanglaw at disyerto. 13 Dahil sa aking poot, wala nang maninirahan sa Babilonia at magiging mapanglaw ito. Masisindak at mangingilabot ang lahat ng dadaan dito dahil sa lahat ng nangyari sa bansang ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 50:12 bansa: sa literal, ina.