Add parallel Print Page Options

12 Pero ilalagay ko sa kahihiyan ang inyong bansa.[a] Magiging pinakaaba ito sa lahat ng bansa, at magiging isa itong mapanglaw at disyerto. 13 Dahil sa aking poot, wala nang maninirahan sa Babilonia at magiging mapanglaw ito. Masisindak at mangingilabot ang lahat ng dadaan dito dahil sa lahat ng nangyari sa bansang ito.

14 “Kayong mga tagapana, humanay na kayo sa pwesto nʼyo sa palibot ng Babilonia. Panain nʼyo siya dahil nagkasala siya sa Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 50:12 bansa: sa literal, ina.