Jeremias 50:42-44
Ang Biblia (1978)
42 Kanilang iniaakma ang busog at ang sibat; sila'y mababagsik, at walang awa; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at sila'y nagsisisakay sa mga kabayo, bawa't isa ay humahanay na parang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo, Oh anak na babae ng Babilonia.
43 Nabalitaan ng hari sa Babilonia ang kabantugan nila, at ang kaniyang mga kamay ay nanghihina: pagdadalamhati ay humawak sa kaniya, at paghihirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
44 Narito, ang kaaway ay sasampa na (A)parang leon mula sa kapalaluan ng Jordan laban sa matibay na tahanan: nguni't bigla kong palalayasin sila sa kaniya; at ang mapili, siya kong ihahalal sa kaniya: sapagka't sinong gaya ko? at sinong magtatakda sa akin ng panahon? at sino (B)ang pastor na tatayo sa harap ko?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978