Font Size
Jeremias 51:13-15
Magandang Balita Biblia
Jeremias 51:13-15
Magandang Balita Biblia
13 Kayong(A) naninirahan sa tabi ng maraming ilog, na sagana sa kayamanan, dumating na ang inyong wakas; tiyak na ang inyong kasasapitan. 14 Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay sumumpa; ang sabi niya: “Ang Babilonia ay ipasasalakay ko sa makapal na tao tulad ng mga umaatakeng balang; at isisigaw nila ang tagumpay laban sa iyo.”
Awit ng Pagpupuri
15 Ang Diyos ang lumikha ng sanlibutan sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
Inayos niya ang daigdig ayon sa kanyang karunungan;
iniladlad niya ang mga langit ayon sa kanyang kaunawaan.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.