Add parallel Print Page Options

23     ang pastol at ang kawan,
    ang magsasaka at ang katulong na mga baka,
    ang mga tagapamahala at ang mga kinatawan.

Ang Parusa sa Babilonia

24 “Paparusahan ko sa harap ninyo ang Babilonia at ang mga mamamayan nito dahil sa mga kasamaang ginawa niya sa Zion,” sabi ni Yahweh. 25 “Ako'y galit sa iyo, ikaw na mapangwasak na bundok. Winasak mo ang buong sanlibutan. Paparusahan kita. Gugulong kang pababa mula sa kabatuhan, at gagawin kitang bundok na tinupok.

Read full chapter