Font Size
Jeremias 52:20-22
Ang Biblia (1978)
Jeremias 52:20-22
Ang Biblia (1978)
20 Ang dalawang haligi, ang dagatdagatan, at ang labing dalawang torong tanso na nangasa ilalim ng mga tungtungan, na ginawa ng haring Salomon na ukol sa bahay ng Panginoon—ang tanso ng lahat ng sisidlang ito ay walang timbang.
21 At tungkol sa mga haligi, ang (A)taas ng isang haligi ay labing walong siko; at isang pisi na labing dalawang siko ay naililibid doon; at ang kapal niyao'y apat na daliri: may guwang.
22 At isang kapitel na tanso ay nasa ibabaw niyaon; at ang taas ng isang kapitel ay limang siko, na yaring nilambat at may mga granada sa kapitel sa palibot, taganas na tanso: at ang ikalawang haligi naman ay mayroong gaya ng mga ito, at mga granada.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978