Font Size
Jeremias 52:3-5
Ang Biblia, 2001
Jeremias 52:3-5
Ang Biblia, 2001
3 Sapagkat talagang ginalit ng Jerusalem at Juda ang Panginoon kaya't sila'y pinalayas niya sa kanyang harapan. At si Zedekias ay naghimagsik laban sa hari ng Babilonia.
4 At(A) nangyari, nang ikasiyam na taon ng kanyang paghahari, nang ikasampung buwan, nang ikasampung araw ng buwan, si Nebukadnezar na hari ng Babilonia at ang kanyang buong hukbo ay dumating laban sa Jerusalem. Kinubkob nila ito at sila'y nagtayo ng mga pangkubkob sa palibot niyon.
5 Kaya't nakubkob ang lunsod hanggang sa ikalabing-isang taon ni Haring Zedekias.
Read full chapter