Font Size
Jeremias 6:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 6:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pinaligiran ng mga Kaaway ang Jerusalem
6 Mga anak ni Benjamin, tumakas na kayo! Lisanin na ninyo ang Jerusalem! Hipan ang trumpeta sa buong Tekoa, at ibigay ang hudyat sa Beth-hakerem. Sapagkat dumarating na mula sa hilaga ang isang malaking sakuna at pagkawasak. 2 Lunsod ng Zion, katulad ka ng isang magandang pastulan. 3 Ngunit pupuntahan ka ng mga hari at magkukuta ang kanilang mga hukbo saanman nila magustuhan at paliligiran ka ng kanilang mga tolda.
Read full chapter