Add parallel Print Page Options

26 Oh anak na babae ng aking bayan, magbigkis ka (A)ng kayong magaspang, at gumumon ka sa abo: manangis ka, gaya ng sa bugtong na anak, ng kalagimlagim na panaghoy; sapagka't ang manglilipol ay biglang darating sa akin.

27 Iginawa kita (B)ng isang moog at ng kuta sa gitna ng aking bayan: upang iyong maalaman at (C)masubok ang kanilang lakad.

28 Silang lahat ay lubhang mapanghimagsik na (D)nanganinirang puri; (E)sila'y tanso at bakal: silang lahat ay nagsisigawang may kabulukan.

Read full chapter