Add parallel Print Page Options

16 “Kaya Jeremias, huwag kang mananalangin para sa mga taong ito. Huwag kang magmamakaawa o humiling sa akin para sa kanila, dahil hindi kita pakikinggan. 17 Hindi mo ba nakikita ang ginagawa nila sa bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem? 18 Ang mga kabataan ay nangangahoy, ang mga ama ay nagpapaningas ng apoy, ang mga babae ay nagmamasa ng harina para gawing tinapay para sa Reyna ng Langit.[a] Naghahandog din sila ng mga inumin sa ibang mga dios para galitin ako.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:18 Reyna ng Langit: Isa sa mga diosang sinasamba noon.