Font Size
Jeremias 7:29-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 7:29-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang mga Kasamaang Ginagawa sa Libis ng Ben Hinom
29 “Manangis kayo, mga taga-Jerusalem.
Putulin ninyo ang inyong buhok, at itapon ito sa malayo.
Managhoy kayo sa ibabaw ng mga burol,
sapagkat itinakwil at pinabayaan ni Yahweh
ang mga taong kanyang kinapopootan.
30 “Napakasama ng ginawa ng mga taga-Juda. Ang mga diyus-diyosang kinasusuklaman ko'y inilagay nila sa aking Templo. Nilapastangan nila ang aking tahanan. Akong si Yahweh ang maysabi nito. 31 Sa(A) Libis ng Ben Hinom ay gumawa sila ng altar at tinawag nilang Tofet. Doon nila sinusunog ang kanilang mga anak bilang handog. Hindi ko iniutos sa kanilang gawin ito, at ni hindi man lamang ito sumagi sa aking isipan.
Read full chapter