Add parallel Print Page Options

11 Kanilang(A) pinagaling nang bahagya ang sugat ng aking bayan,
    na sinasabi, ‘Kapayapaan, kapayapaan,’
    gayong walang kapayapaan.
12 Nahiya ba sila nang sila'y gumawa ng karumaldumal?
    Hindi, hindi man lamang sila nahiya,
    hindi sila marunong mamula sa hiya.
Kaya't sila'y mabubuwal sa gitna ng mga nabuwal;
    sa panahon ng kanilang kaparusahan, sila'y ibabagsak, sabi ng Panginoon.
13 Lubos ko silang lilipulin, sabi ng Panginoon,
    mawawalan ng ubas sa puno ng ubas,
    o ng mga igos sa mga puno ng igos,
maging ang mga dahon ay nalalanta;
    at ang naibigay ko sa kanila ay lumipas na sa kanila.”

Read full chapter