Add parallel Print Page Options

Aking pinakinggan at narinig ko, nguni't hindi sila nagsalita ng matuwid: walang (A)nagsisisi ng kaniyang kasamaan, na nagsasabi, Anong aking ginawa? bawa't isa'y lumilihis sa kaniyang lakad, gaya ng kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka.

Oo, nalalaman ng ciguena (B)sa himpapawid ang kaniyang mga takdang kapanahunan; at ang bato bato at ang langaylangayan at ang tagak ay nangagmamalas ng panahon ng pagdating ng mga yaon; nguni't hindi nalalaman ng (C)aking bayan ang alituntunin ng Panginoon.

Paano ninyo sinasabi, Kami ay pantas, (D)at ang kautusan ng Panginoon ay sumasaamin? Nguni't, narito, ang sinungaling na pangsulat ng mga escriba ay sumulat na may kasinungalingan.

Read full chapter