Add parallel Print Page Options

Nalipol ang mga Anak ni Job at Naubos ang Kanyang Kayamanan

13 Isang araw, nagkakainan at nag-iinuman ang mga anak ni Job sa bahay ng kanilang panganay na kapatid na lalaki. 14 Walang anu-ano'y dumating kay Job ang isa niyang tauhan. Sinabi nito, “Kasalukuyan po naming pinang-aararo ang mga baka at nanginginain naman ang mga asno, 15 nang may dumating na mga Sabeo.[a] Kinuha po nila ang mga baka at mga asno at pinatay pa po ang aking mga kasama. Ako lang po ang nakatakas upang magbalita sa inyo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Job 1:15 MGA SABEO: Lipi ng mandarambong na mula sa katimugan.