Font Size
Job 1:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Job 1:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
14 Walang anu-ano'y dumating kay Job ang isa niyang tauhan. Sinabi nito, “Kasalukuyan po naming pinang-aararo ang mga baka at nanginginain naman ang mga asno, 15 nang may dumating na mga Sabeo.[a] Kinuha po nila ang mga baka at mga asno at pinatay pa po ang aking mga kasama. Ako lang po ang nakatakas upang magbalita sa inyo.”
16 Hindi pa ito nakakatapos sa pagbabalita nang may dumating na namang isa. Sinabi naman nito kay Job, “Tinamaan po ng kidlat ang mga tupa at mga pastol at namatay lahat; ako lang po ang nakaligtas upang magbalita sa inyo.”
Read full chapterFootnotes
- 15 MGA SABEO: Lipi ng mandarambong na mula sa katimugan.