Font Size
Job 10:1-3
Ang Biblia, 2001
Job 10:1-3
Ang Biblia, 2001
Siya ay Tumututol sa Kalabisang Parusa ng Panginoon
10 “Kinasusuklaman ko ang aking buhay;
malaya kong bibigkasin ang aking karaingan;
ako'y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa.
2 Sasabihin ko sa Diyos, Huwag mo akong hatulan;
ipaalam mo sa akin kung bakit mo ako kinakalaban.
3 Mabuti ba sa iyo na ikaw ay magpahirap,
na iyong hamakin ang gawa ng iyong mga kamay
at iyong sang-ayunan ang mga pakana ng masama?