Font Size
Job 17:8-10
Magandang Balita Biblia
Job 17:8-10
Magandang Balita Biblia
8 Mga nagsasabing sila'y tapat sa akin ay nagulat,
ang mga walang sala, sa aki'y nanunumbat.[a]
9 Ngunit ang mga matuwid ay lalong naniniwala,
at lalo pang nahikayat na sila nga ang tama.
10 Subalit silang lahat, humarap man sa akin,
wala akong maituturo na may talinong angkin.
Footnotes
- Job 17:8 sa aki'y nanunumbat: o kaya'y nagalit sa mga hindi kumikilala sa Diyos .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.