Job 24:4-10
Ang Biblia (1978)
4 (A)Kanilang inililigaw sa daan ang mapagkailangan:
(B)Ang mga dukha sa lupa ay nagsisikubling magkakasama.
5 Narito, gaya ng mga mabangis na asno sa ilang,
Sila'y nagsisilabas sa kanilang gawa, na nagsisihanap na masikap ng pagkain;
Ang ilang ay siyang nagbibigay sa kanila ng pagkaing ukol sa kanilang mga anak.
6 Kanilang pinitas sa bukid ang kanilang pagkain;
At kanilang pinamumulutan ang ubasan ng masama.
7 Sila'y hubad na nangahihiga buong gabi na walang suot.
At walang kumot sa ginaw.
8 Sila'y basa ng ulan sa mga bundok,
At (C)niyayakap ang bato sa pagkakailangan ng kulungan.
9 May nagsisiagaw ng ulila mula sa suso,
At nagsisikuha ng sangla ng dukha:
10 Na anopa't sila'y yumayaong hubad na walang damit,
At palibhasa'y gutom ay kanilang dinadala ang mga bigkis;
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978